“OiSzt..!!!!!!!!!!!!!!!!1 Amusxta nua.? LøN6 tym n0 txt huh ?dii cka nrin n6tetezst¡ sza fwendster qou..amf ka…! peo eus larn, (^^,) ahahakk.. Lakaszs n6 uLhan diito. . ! Err.. >:( , kmUzsta nu buh? Yapeth na pfue xembwuek..xupergala na nMan ! .. ahihi.. weply xua di6its quh..wak poh dto. gudluqk.. ! ge .. b0unce bacq huh .. ? Muapx. . .
^++\\signin’ øff//++^
[pm.]
PAMILYAR KA BA SA GANYANG EKSENA?
Malamang. Mga maling uri ng paggamit ng abbreviations, acronyms, text lingo at punctuation marks na nakakangilo. ‘Yan ang “textspeak”.
Ang textspeak ay unang naimbento noong unang panahon ng mga taong bangag na marunong gumamit ng cellphone. Ito ang paraan nila para makapag-usap ng pribado (PM), at para narin pasakitin ang ulo ng ibang tao.
SOURCE: Pasaload
Kelan lang ay nakatanggap ako ng isang text message na ‘di ko aakalaing makapagpapabago ng takbo ng buhay ko:
“OiSzt..!!!!!!!1 Amusxta nua.? LøN6 tym n0 txt huh ?dii cka nrin n6tetezst¡ sza fwendster qou..amf ka…! peo eus larn, (^^,) ahahakk.. Lakaszs n6 uLhan diito. . ! Err.. >:(. kmUzsta nu buh? Yapeth na pfue xembwuek..xupergala na nMan ! .. ahihi.. weply xua di6its quh..wak poh dto. gudluqk.. ! ge .. b0unce bacq huh .. ? Muapx. . .
^++\\signin’ øff//++^
[pm.]
Wtf ? ! Ano raw?
Peksman! Matapos kong mabasa ‘yan ay dalawang bagay lang ang unang pumasok sa isip ko: (a) May sama siya ng loob sa akin at hindi niya masabi ng harapan kaya sa text niya na lang idinaan, o (b) Minumura, sinusumpa at dinadasalan niya na ako — maging ang katawang lupa ko — NA MASUNOG SA KUMUKULONG LAWA NG DAGAT-DAGATANG APOY NG IMPYERNOOO!!! WHEW! Pasensya na. Nadala lang. Pero talaga naman kasing nakakainis yung ganyan! Tatanungin ko pa nga dapat siya kung magkano ba magpalagay ng braces sa ngipin o kung lasing ba siya, pero di ko na ginawa yon dahil may pinag-aralan naman ako:
“Ah. Ganon ba? Cge, hehe. Gudlak na lang den. Nga pala, ingat ka ha? Lasheng ka pha neman, tsaka… hmm, kelan ka pa nagpalagay ng braces sa ngipin?”
Click. Send.
Message Sent.
Kalaunan ay nalaman kong wrong send lang pala siya at di daw pala para sa akin ang text message niya. Tsk tsk. Hindi ko alam kung sino man siya, pero isa lang ang malinaw nung mga oras na ‘yon: May isa na namang biktima. Ang mamomroblema. At magdudugo ang ilong. Sa pagbabasa. Ng kakaibang text message nya.
(To Be continued)

Posted by eych on January 27, 2010 at 9:53 am
hahaha. badtrip nga yung ganyang texting habit. sobrang nakakaasar! bakit kasi pinapalitan pa nila ng style at spelling yung mga salita? kala naman nila gaganda o popogi sila ‘pag ginawa nila ‘yun. nakakasira ng bituka ‘yung mga ganyang text. tsk.
Posted by eych on January 30, 2010 at 9:25 pm
ui.. bagong blog naman. heheheh. bitin.
Posted by jraldrbnt on February 28, 2010 at 3:21 pm
NOTICE TO THE PUBLIC:
Next time ko na lang iiupdate ‘to. Hayaan na lang muna nating ganito. Naka-pending. Ang mahalaga ay hindi ito nakakasakit ng kapwa tao. Sa ngayon ay mas bibigyan ko munang pansin ang pagsusulat ng iba pang mas bago, fresh, hot, sizzling, with chocolate-cake-vanilla-cream-filling na blog entry. Paunahin na muna natin ang nakakatanda. Salamat sa pang-unawa. Gaya nga ng sabi ng Maynilad, “Dadaloy din ang ginhawa.”
-Jrald